CORNY FILES: Pag-ibig (daw)

Posted in: - 0 Attention Grabbed
Tamang-tama for the Love Month. Crushes, first love, flirting, ligawan, love theories, at kung ano pang kakornihan. Dinggin (o basahin, more appropriately) kung pa'no pumintig ang puso ni Pico.
Justify FullUmibig na ‘ko. Kung ilang ulit na rin. Sa maling tao sa tamang panahon o sa tamang tao sa maling panahon o sa maling tao sa pareho ding maling panahon. Basta. Laging parang mismatched kaya parang lagi ring mali. Ipokrito ako kung sasabihin kong alam na alam ko na lahat ang mga twists and turns ng usapang pag-ibig dahil kahit madami na rin ako’ng karanasan d’un, e mahirap pa ring maiwasang madapa’t minsa’y malugmok sa tae ng kalabaw. Ganun daw talaga. Wala naman kasi sa atin ang perpekto. Maging tae ng kalabaw.

Medyo clear pa sa’kin kung pa’no nag-start ang mga adventures ko with discovering what love is. Grade 2, 7 years young ako n’ung una akong nagka-crush. Of course, natatandaan ko ‘yun kasi nga first. At dahil neophyte pa sa kakatwang naramdaman, excited naman daw ako’ng nag-kuwento sa Papa ko. At ang sabi niya, “Halika. Ligawan natin.” Nalimutan atang musmos pa ako’t di ko pa alam ibig sabihin ng ‘ligaw.’ Namatay naman agad ‘yung feeling. Very superficial kasi, tsaka another thing, immature at unrealistic. Kaya napundi agad ‘yung spark at nawala ‘yung magnetic force kuno. End of first crush. At simula n’un, alam ko na kung ano ang crush. At kung saang folder sa computer ko s’ya ica-categorize: sa Recycle Bin.

Dumaan ang ilang years at nagpatuloy naman daw ako sa paghaharvest ng mga crushes at paglilista sa kanila sa mga slum books na usung-uso n’ung grade school days. Grade 4, Valentine’s, binigyan ko ng plastic rose y’ung crush ko. Kinilig sa Papa n’ung nabalitaan n’ya. “Ba’t plastic?,” sumbat naman ni Mama. Binawi ko y’ung rose dahil sa pressure. Sad story. Grade 5, nagka-crush ako sa isang Grade 2. Y’un ang first exposure ko sa pedopilya. Nakakahiya. Grade 5 din, iniyakan ko y’ung crush ko dahil napabalitang may leukemia. Malay ko ba, kinabukasan, nakita ko s’ya. In perfect shape. Ah. Chismis talaga oo.

Pero, karamihan, imbento ko lang. Para nga may masulat sa slum book. Para may ipe-pair ka sa pangalan mo for FLAMES na isa pang dakilang kakornihan ng olden times. At para makasabay ka sa trend na dapat may crush ka. Sabi kasi ng teacher namin dati, abnormal ang taong walang crush. Natakot kaming maging abnormal kaya kanya-kanya kami sa paghahanap ng magiging crush. Parang ‘The Quest for the Potential Crush’. Ang sagwa.

First year, 11 years young ko na nadama (Duh!) y’ung first love na sinasabi sa mga pocket books na saksakan ng kakornihan. Tawagin man nila itong puppy love, calf love, kitten love, kid love o tadpole love, wala akong pakialam. Alam ko sa sarili ko na love y’un. At hindi naman tuta o kiti-kiti first love ko. Y’un na. Umpisa ng kakornihang tunay.

Nakakaadik ang first love. For the first time in my life, nakagawa ako ng diary chronicling every little bit of my everyday with her. Nag-ala William Shakespeare at nakagawa ng kung ilang poems at sonata. Nagpuyat at gumasto para maka-text s’ya gabi-gabi. Dinuldul ang dila sa asukal para magkaroon naman daw ako ng kahit ilang ounces ng kasweet-an sa katawan. Nakipag-eye-to-eye hanggang sa magkaduling-duling. Sumulyap-sulyap kahit may muta. Pinilit palapit ang sarili kahit obvious namang pinipilit din n’yang ilayo ang sarili sa akin. Nagpipilitan kami. Ganun.

Naging kami din, pero juniors na kami n’un. Madaming nang-yari din before naging kami at ayoko nang ikuwento lahat para ‘di mo iplagiarize ang sarili kong love story. Nagtagal kaming four months, approximately. Pero parang a year and a half din kung counted y’ung MU days namin. Y’un ang first love ko.

Two days after kami nag-break, nakahanap ako agad ng bago. And ‘eto na nga, true love. On the process pa love story namin na inabot na din ng 28 months. Madami kaming napagdaanang obstacles, talo na nga namin ung mga hurdlers sa Olympics e. Kinutya, inapi, inalipusta, kinatulong, sinampal, sinuntok, sinabunutan, inagawan ng human rights, pinatulog sa bodega, dinuldol ang face sa putik at kung ano pang kadramahang ginagawa sa mga bida sa telenobela tuwing hapon. Ganun katindi napagdaanan namin. Pero mas matindi kami. Kaya heto, kami pa din. Bakit? Dahil masaya ako. Period. At dahil mahal ko s’ya. Ellipsis.

Pero tulad din ng telenovela sa TV, may unexpected twists and istorya. Para may spice at adventure at para tumaas ang viewer patronage. Magkalayo kasi kami ni true n’un. E mainipin ako. Nag-hanap akong iba, nakita ko s’ya. Classmate ko n’ung kinder. Nagkamabutihan, naging kami, nag-break after some months, nagka-ayos, naging friends. Ayun, always like kindergarten pa din.


Walang calculations sa love. Walang mga formulas na isusubstitute na lang ang mga variables for it to work out. Para sa’kin, ‘di talaga s’ya komplikado. Nagiging ganun lang dahil sa mga circumstances. ‘Di bulag ang pag-ibig. Iba ang bulag sa nagbubulag-bulagan.


‘Di lang d’un nagtatapos mga pakikipag-sapalaran ko sa pag-ibig. Kasi once in a while, nagkaka-crush pa din ako. Malamang, kasi naniniwala pa rin ako kay teacher. At ayoko pa ding maging abnoy kahit obvious namang ganun talaga ako.

Here follow a list of them and some descriptions:
(1) Si LAKI-ULO. Mahanagin, ma-ere, daig ang mga gargantuan fans sa kayabangan. I regret being attracted with such useless creature. Days older than me.
(2) Si KID. Napaka-vulnerable, fragile. Matalino pero inosente. Days older than me.
(3) Si MASCOT. Nakakatawa, mukhang clown. A year older.
(4) Si PANGIT. Sarcasm ‘yan. ‘Di na n’ya ata ako kilala. Year older.
(5) Si DL. Seatmate ko’ng kahilig mag-kuwento. Mukhang madaming alam na chismis. Basta, older.
(6) Si KA-BUS. Nakasabayan ko on a trip back to Baguio. Magaling sumulyap. Looks older.
(7) Si BANTAY. Hindi s’ya aso a. Nakita ko s’ya sa isang seminar. May braces. 2 years older.
(8) Si DHARREN. Cute. Older.
(9) Si ENORMOUS. Mukhang higante. Years older.
(10) Si CUTE. Literal. Daig ang emoticon sa pag-ngiti. Decades older.

Umibig na nga ako. Pero, ‘di ko pa rin kayang imemorize kung pa’no talaga tumatakbo ang pag-ibig. Dahil pagdating sa usaping ganun, nagiging abnoramally dumb talaga ako. Walang silbi y’ung mga advices ng mga love gurus sa FM o mga quotations sa text. That’s not the real thing. ‘Di ko kayang paniwalain ang sarili ko’ng there exist fundamentals about sa love. There’s no such as Love 101 talaga. Walang mga standards na dapat sundin at kung meron, you have all the freedom to deviate from it.

Walang calculations sa love. Walang mga formulas na isusubstitute na lang ang mga variables for it to work out. Para sa’kin, ‘di talaga s’ya komplikado. Nagiging ganun lang dahil sa mga circumstances. ‘Di bulag ang pag-ibig. Iba ang bulag sa nagbubulag-bulagan. At ba’t natin isasali ang mga bulag sa katangahang nagagawa natin for love? Wag mo ko’ng tatanungin kung ano ba ang pag-ibig. Sasagutin kita ng matimtimang titig. Ikaw lang ang makakasagot n’yan. Love is subjective. Iba-iba ang pagtingin natin dito. At kahit pa sabihin ng isa na ‘ang lab sa’kin ay parang tae ng kalabaw,’ wala tayong magagwa d’un dahil ganun ang tingin n’ya, wala kang karapatang iquestion y’un.

Pero ang nakakabad-trip e kung ba’t ‘pag an’dyan na, nawawala na ang mga prinsipyo mo about pag-ibig. Nablu-blur na lahat ang nag-i-islow motion pa. Nawawalan ng saysay ang mga fundamentals na rineview mo. At literal ka nang bumagbagsak na parang nagtaa-time space warp ka into another dimension. Isa lang naman kasi ang totoo sa lahat sa’tin pag umiibig – nawawalan tayo ng katinuan at ang tae ng kalabaw ay nagiging perpekto sa ating mga mata. Yuck. How gross.

0 Attention Grabbed:

Copyright © 2010 B(LOGGING ON) All rights reserved. Powered by Blogger .

Design by themetraffic. Blogger Template by Anshul | Funny Pictures.