Mapangarapin ako. Sadyang ambisyoso. Marami akong gustong maging at ‘yun ay dahil hindi ako naniniwalang may limitasyon ang pangangarap. Kailangan nating lahat tuklasin ang ating mga natatagong mga kagustuhan sa buhay dahil ang mga ito ang maglalatag sa ‘tin ng landas na ating dapat tahakin. Ang deep nu? Pero ang totoo n’yan, ‘di lang talaga ako mapakali na pumipirma lang ako sa isang katawagan. Meaning? Mahirap ako makuntento. Pero bakit ba? Bakit kailangang magpakahinay-hinay sa pag-aambisyon. Ika nga sa Ingles na proverb na nakita ko kung san, “Aim for the moon; if you fail, you’ll land among the stars.” Ito ang mga buwan na pinipilit kong abutin, at kung s’ang constellation ako babagsak, bahala na.
7. Gustung-gusto kong yumaman. Ever. Natural na ‘yun sa’ming hindi pinalad na magkaroon ng ekta-ektaryang mga hacienda at bukirin. Ang pangarap na ‘to ay magiging stepping stone kumbaga para matupad ko pa ang ibang mga pangarap ko. Pero, kelangan ding matupad ko muna ang mga iba kong pangarap para makamit ko ang pangarap na ‘to.
6. Pangarap kong maging isang pintor o arkitek. Natatandaan ko, n’ung Grade 1 ako, ‘eto ‘yung sinusulat ko sa What do you want to become when you grow up? na ‘di ko pa naman maintindihan n’ung mga panahong ‘yun. Kung bakit y’un, ‘di ko alam, considering na that time, ang alam ko lang iguhit e mga tsubibong (Ferris wheel ‘yan) hugis-patatas. Nag-improve naman na s’ya ngayon. Hindi na hugis patatas.
5. Pangarap kong maging isang archaelogist. Gusto kong hanapin ang kawayan na pinagmulan nina Malakas at Maganda at pag-aralan kung pa’nu sila nagkasya d’un. P’wede ring historian. Mahilig ako sa museums at mga baul-baul. Kawirduhan.
4. Pangarap kong makapagpublish ng libro ko. Hindi autobiography at baka magmukha s’yang isang joke book. Basta, libro na may magandang cover at mga illustrations. Iyon kasi ang pinakasukdulang pangarap ng isang writer (kuno) na gaya ko. D’un ko mapapatunayang, wow, writer nga talaga ako. Bilhin man siya o hindi, ok lang. Gusto kong mahagilap ko man lang ang pangalan ko sa mga book stores na lagi kong tinatambayan.
3. Gusto kong maging abogado. Pangarap ko ‘yan magmula Grade 3 ako n’ung ipalabas ang impeachment trial ni Erap sa TV. Naiinis pa ‘ko n’un kasi hindi ako nakakanood ng mga telenobela sa gabi. Pero, nainspire ako kay Miriam Defensor-Santiago (O Diyos, ba’t siya pa?!), ang galing niya mag-English. At nasabi ko na lang sa sarili ko, I wanna be like her. Naks. Parang pelikula. Next na nga.
2. BS Accountacy ang course ko, kaya obvious na gusto kong maging accountant s’yempre. Gusto lang, ’di ko pangarap talaga. Hindi ko nga alam kung anung ibig sabihin n’un dati e --- accountant. Masarap lang siya sa tainga, y’un lang.
1. Pero sa lahat ng y’un, eto ang PINAKApangarap ko – maging guro. Gusto kong magturo. Gusto kong maging bahagi ng paghulma sa susunod na mga kabataan. Corny man pakinggan pero ‘yun talaga ang gusto ko. Sabi nga sa kasabihan, A teacher affects eternity. Pero ‘wag masyado maniwala sa sinabi ko at hindi ko sigurado kung ganun talaga ‘yun.
Bahala na kung ano man maabot ko sa mga ‘yan. So help me God.

0 Attention Grabbed:
Post a Comment