Blink. Blink. Blink.
Ganyan mang-inis ang pinakakanakakainis na bagay sa mundo. Dinadaan ako sa punyetang pagbliblink lang. hindi naman s’ya nagpapacute. At kung ganun man, sorry siya dahil di ko nga siya type. Ang kakaiba pa diyan, wala s’yang mata. Ano s’ya? Well, ‘yung cursor sa Microsoft Word lang naman.
Sa pangkaraniwang araw e hindi naman niya ako nagagawang asarin. Pero sa mga pagkakataong tulad ngayon na pinipilit ko’ng pigain ang mga neurons ko para may masulat na maganda-ganda ay super nakakairita talaga ‘pag nakikita mo lang s’yang ganyan, nagbliblink. Walang hangganang pagbliblink. Na parang nang-iinsulto pa. Na parang nagsasabing, “Heto, tingnan mo ang nagagawa mo – blangko.” with matching halakahak on the side. Na parang ipinag-sisigawan sa’yo na dahil sa wala ka nang masulat ay wala kang kakwenta-kwenta kang manunulat. Ouch.
Alam ko namang ginawa s’ya upang magblink sa buong buhay n’ya. Alam ko ring kapag nakakapagsalita siya e kung ilang ulit na rin niya sigurong nasabi sa mukha ko na ‘trabaho lang, walang personalan’. Alam ko din s’yempre na hindi n’ya kasalanan kung minsan talaga e nawawalan ako ng isusulat na maganda-ganda. At alam kong ‘di makatarungan at napakaimmature na ibunton sa isang kawawang blinking cursor ang mga frustrations ko minsan sa pagsusulat.
Pero, kamtotinkopit, kung tutuusin may aral ding mapupulot sa pagtitig sa isang blinking cursor paminsan-minsan. Dahil sa kanya, nalalaman mo kung na’san ka nang parte sa screen ng computer. Kumbaga sa totoong buhay, pinapaala niya kung san ka na. Kung malapit ka na ba sa finish line. Kung naka-halfway through ka na. O kung nakagalaw ka na ba mula sa kinatatayuan mo kanina. Taga-paalala na sa buhay, kelangan ang patuloy na paggalaw. Oo, ang awkward pakinggan. Basta ang English n’yan e, you need to keep moving. Kaya nga parang eternally blinking si cursor. Dahil sa buhay, hindi advisable na titigil-tigil ka dahil sa mundo natin na parang ang lahat e may inaatupag at minamadali, mapag-iiwanan ka talaga ‘pag tumigil ka na. Tulad ni cursor na no surrender ata ang drama. Sa pagbukas mo ng MS Word ay lagi lang s’yang nagbliblink. Di nagpapatalo. Sumasabay sa bilis ng pagpindot mo ng mga keys. P’wera na lang kung kasabayan ng mga dinosaurs ang computer mo na kasing-bagal ng pagong sa pag-react.
Pero sa bawat pag-exit ng application, mawawala din si blinking cursor. Patunay na lahat talaga’y natatapos din. Tulad ng buhay. Ng pag-ibig. Ng pag-asa. ‘Yan ay kung emo ka at puno ng angst sa buhay.
At ha’yan, napadami ata ang nasabi ko. Maiinis pa din ako sa cursor, s’yempre. Nasa sistema ko na ‘yun. Pero gayunman, salamat sa cursor. Na naging isang inspirasyon. Wink. Wink. Wink.