Pitong Pangarap

Posted in: - 0 Attention Grabbed
Mapangarapin ako. Sadyang ambisyoso. Marami akong gustong maging at ‘yun ay dahil hindi ako naniniwalang may limitasyon ang pangangarap. Kailangan nating lahat tuklasin ang ating mga natatagong mga kagustuhan sa buhay dahil ang mga ito ang maglalatag sa ‘tin ng landas na ating dapat tahakin. Ang deep nu? Pero ang totoo n’yan, ‘di lang talaga ako mapakali na pumipirma lang ako sa isang katawagan. Meaning? Mahirap ako makuntento. Pero bakit ba? Bakit kailangang magpakahinay-hinay sa pag-aambisyon. Ika nga sa Ingles na proverb na nakita ko kung san, “Aim for the moon; if you fail, you’ll land among the stars.” Ito ang mga buwan na pinipilit kong abutin, at kung s’ang constellation ako babagsak, bahala na.

7. Gustung-gusto kong yumaman. Ever. Natural na ‘yun sa’ming hindi pinalad na magkaroon ng ekta-ektaryang mga hacienda at bukirin. Ang pangarap na ‘to ay magiging stepping stone kumbaga para matupad ko pa ang ibang mga pangarap ko. Pero, kelangan ding matupad ko muna ang mga iba kong pangarap para makamit ko ang pangarap na ‘to.

6. Pangarap kong maging isang pintor o arkitek. Natatandaan ko, n’ung Grade 1 ako, ‘eto ‘yung sinusulat ko sa What do you want to become when you grow up? na ‘di ko pa naman maintindihan n’ung mga panahong ‘yun. Kung bakit y’un, ‘di ko alam, considering na that time, ang alam ko lang iguhit e mga tsubibong (Ferris wheel ‘yan) hugis-patatas. Nag-improve naman na s’ya ngayon. Hindi na hugis patatas.

5. Pangarap kong maging isang archaelogist. Gusto kong hanapin ang kawayan na pinagmulan nina Malakas at Maganda at pag-aralan kung pa’nu sila nagkasya d’un. P’wede ring historian. Mahilig ako sa museums at mga baul-baul. Kawirduhan.

4. Pangarap kong makapagpublish ng libro ko. Hindi autobiography at baka magmukha s’yang isang joke book. Basta, libro na may magandang cover at mga illustrations. Iyon kasi ang pinakasukdulang pangarap ng isang writer (kuno) na gaya ko. D’un ko mapapatunayang, wow, writer nga talaga ako. Bilhin man siya o hindi, ok lang. Gusto kong mahagilap ko man lang ang pangalan ko sa mga book stores na lagi kong tinatambayan.

3. Gusto kong maging abogado. Pangarap ko ‘yan magmula Grade 3 ako n’ung ipalabas ang impeachment trial ni Erap sa TV. Naiinis pa ‘ko n’un kasi hindi ako nakakanood ng mga telenobela sa gabi. Pero, nainspire ako kay Miriam Defensor-Santiago (O Diyos, ba’t siya pa?!), ang galing niya mag-English. At nasabi ko na lang sa sarili ko, I wanna be like her. Naks. Parang pelikula. Next na nga.

2. BS Accountacy ang course ko, kaya obvious na gusto kong maging accountant s’yempre. Gusto lang, ’di ko pangarap talaga. Hindi ko nga alam kung anung ibig sabihin n’un dati e --- accountant. Masarap lang siya sa tainga, y’un lang.

1. Pero sa lahat ng y’un, eto ang PINAKApangarap ko – maging guro. Gusto kong magturo. Gusto kong maging bahagi ng paghulma sa susunod na mga kabataan. Corny man pakinggan pero ‘yun talaga ang gusto ko. Sabi nga sa kasabihan, A teacher affects eternity. Pero ‘wag masyado maniwala sa sinabi ko at hindi ko sigurado kung ganun talaga ‘yun.

Bahala na kung ano man maabot ko sa mga ‘yan. So help me God.

Kapitan Sino by Bob Ong??

Posted in: - 2 Attention Grabbed

May new book na daw ang aking twin, a este... fan, ay oops, idol pala. At ang title?? -- Kapitan Sino. Cute nu? So Bob Ongish ang dating. Haha. This May lang daw xa nilabas, pero ba't ngayon ko lang na-knows, I don't know. Hehe. I searched the blogosphere for updates, and I glanced upon this. Read on.




Details?


<.-.> Para sa kapakanan ng mga mambabasa mong naghintay sa bagong libro, pwedemo bang sabihin sa amin kung tungkol saan ang Paboritong Libro ni Hudas?

Kapitan Sino?

<.-.> Ah, oo, Kapitan Sino pala. Hehe. Ang ganda-ganda kasi ng PaboritongLibro ni Hudas. Yon ang paborito ko sa mga libro mo e. Hindi dahil sa nandoonako, pero marami talagang nagsasabi na maganda yung Paboritong–

Ahem, um, ang Kapitan Sino ay tungkol kay Rogelio Manglicmot na nakilala ngmga tao bilang isang superhero sa katauhan ni Kapitan Sino.

<.-.> Ang haba ng pangalan! Para sakin mas gusto ko pa rin yung mga isinulatmong tauhan na five characters lang ang pangalan, yung simple lang, yung parangpuro punctuation mark lang….

Ah, magugustuhan mo si Bok-bok, kasi may punctuation mark din ang pangalannya!

<.-.> Sino naman yun?

Kaibigan ni Rogelio. Marami kang makikilala sa mundo ni Kapitan Sino.

<.-.> Pati si Tesla?

Si Tessa. Pero tama ka, dahil kinuha ko ang pangalan nya kay Nikola Tesla.Isa sa pinakamagaling, kundi man ang pinakamagaling, na electrical engineer sakasaysayan, pero kaawa-awang naagawan ng maraming imbensyon.

<.-.> Hindi ba si Tessa ang nagpatagal ng ika-pitong libro?

Nagkakahiyaan kasi sila ni Rogelio. Nahirapan tuloy akong magsulat ngkwentuhan nila. Yung iba ngang usapan, hindi na nila ipinasulat sa akin.

<.-.> Kaya ba isang buong araw kang nakinig ng mga senti?

Hehehe. Higit pa. Paulit-ulit-ulit akong nakinig ng mga love song, kasamana yung kanta ni Carole King, nang ilang linggo habang isinusulat ang tagponila. Pilit din akong nanood ng romantic movies pandagdag inspirasyon, atnagpaturo sa romance novel writer na dating miyembro ng Bobong Pinoy YahooGroup.Ewan kung pasado na ang gawa ko.

<.-.> Totoo bang lumang superhero si Kapitan Sino?

Hindi. Sya ang pinakabagong superhero…noon.

<.-.> 80’s? Ibinalik mo ba ang oras sa Dekada Otsenta?

Oo, kaya mas akma ang kwento sa mga 27 years old pataas. Baka merong mgahindi gaanong maintindihang detalye ang mga mas batang mambabasa. Makakatulongkung meron silang mapagtatanungang matanda.

<.-.> Hmmm… mukhang interesante itong ika-walong libro.

Ika-pito. Pero tama ka ulit, dahil may mauuna pa dapat akong libro dito,kundi lang nakiusap si Mayor na paunahin ko na sila.

<.-.> May Mayor? Matatapatan ba nito ang dami ng celebrity sa Paboritong Libroni Hudas? Tinutukoy mo ba sila Donita Rose, Marvin Agustin, at Tootsie Guevarra nanasa ikatlong libro? Ikinalulungkot ko, pero mas hitik at nag-uumapaw sa mgacelebrity ang Kapitan Sino.

<.-.> Pero hindi mo maitatangging ako ang pinakasikat mong celebrity dahillumabas ako sa dalawang libro!

Tama. Lumabas ka sa itim at puting libro. Pero may iba pa kong tauhan nalumabas din ulit dito sa Kapitan Sino.

<.-.> Huh?! Hindi mo ko pinasasaya sa mga sagot mo, Bob Ong! At bakit akomagkaka-interes kay Kapitan Sino kung nung 80’s pa ang adventure nya?

Kung itatanong mo yan pagkatapos magbasa, hindi mo naintindihan ang libro.

<.-.> Saan ba ko kukuha ng kopya?

Unti-unti na pong nagkakaroon ngayon ang mga paborito nyong eatery o sari-sari store. Kung wala pa, baka naubusan lang kayo. Subukan nyo ulit saibang araw.

<.-.> Magkano ba?

75 pesos lang po…kung panahon ni Cory Aquino! Pero dahil 2009 na,P175.00 po ang isa.

<.-.> Matagal-tagal bago nasundan ang Macarthur.

Ito ang pinakamatagal na agwat ng pagsusulat ko. Pero natapos din anglibro, salamat sa inspirasyon mula sa mga mambabasang tagapagpalakas ng loob atumaasang laging masusundan pa ang huling librong nabasa nila. Dahil sa simplenghiling nila na laging masabihan kagad kung may bago na silang mababasa kayaginagamit na naman kita ngayon para sa official announcement.

<.-.> Sanay na ko. Alam ko kailangan mo ng celebrity endorser para sa KapitanSino. Idagdag mo na lang sa talent fee ko yung t-shirt ng officialuse.net.

Punta ka sa Komikon sa UP sa Sabado, May 16. http://visprintpub.blogspot.com/ Meron doong mga t-shirt ni Bob Ong. Mura langdahil hindi ka na magbabayad ng shipping fee. Pagkakataon mo na!

<.-.> Aba, talagang double-purpose ang patalastas ah! May Swine Flu ka pa salagay na yan.

Sipon lang.

<.-.> Sa susunod mong libro wag kang gagawa ng announcement pag may sipon ka,kasi lalong kumo-corny.

Sige, susubukan ko. Salamat.

===
Ayun. Sana makabili na ang isang kaibigan at nang makahiram na ko. Haha

Copyright © 2010 B(LOGGING ON) All rights reserved. Powered by Blogger .

Design by themetraffic. Blogger Template by Anshul | Funny Pictures.